Nagpakita agad sina Ronald Oranza at defending champion sa pagpadyak ng LBC 8th Ronda Pilipinas 2018 sa Vigan City, Ilocos Sur kahapon.

Kinopo ng kapwa Navy-Standard Insu­rance ang one-two placings sa 40-kilometer Vigan Criterium race ka-identical time ang kumukumpleto sa top four finishers.

Nakipagrematehan sina Oranza at Morales sa huling limang daang metro ng karera nagpaikot-ikot sa cobblestone street ng Calle Crisologo kasama sina Alvin Benosa ng Team Philippine Army-Bicycoolgy na tumesera at Go for Gold teammate George Oconer at Jonel Carcueva, lumagak sa pang-apat at panlima.

May identical time sina Oranza, Morales, Oranza at Oconer na isang oras, 11 minuto at 22 segundo sa bikathon na mga pinapadrinuhan ng MVP Sports Foundation, CCN, Petron, Versa.ph, 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Cycling, Lightwater, LBC Foundation at PhilCycling.

Pero nasa 32-taong-gulang na si Morales ang pangkalahatang liderato nang maka­bawas ng 15-second bonus points dahil sa pagprimera sa dalawang intermediate sprints at pagsegunda sa Stage 1.