Nilinaw ni Greg Hawkins na hindi siya nai- insecure kay Ion Perez, ang kasalukuyang Kuya Escort ng Kapamilya noontime variety show na “It’s Showtime.”
“I like him. He’s such a cool guy. I wish him the best,” aniya nang dumalaw siya sa Tambayan ng Tsika, online show ng Abante Tonite.
Excited naman siya dahil sumabak na rin siya sa pag-arte. Leading man siya sa pelikulang ‘Illegal Mistress’ kasama si Meg Imperial.
Sey pa niya, bilib daw siya sa galing at professionalism nito bilang aktres.
Marami rin daw siyang natutunan dito pagdating sa pag-arte.
Ayaw naman niyang magsalita tungkol sa isyung may offer sa kanyang mag-appear bilang regular sa “Eat Bulaga,” ang kalabang programa ng “It’s Showtime” kung saan siya nakilala bilang original Kuya Escort.