Nagsalita na si Ilocos Norte Governor Imee R. Marcos, kaugnay ng isinasagawang pagdinig sa Kongreso hinggil sa imbestigasyon ng umano’y maling paggamit ng pondo ng tabako sa lalawigan kung saan sinabi nitong kinuha diumano ng isa sa mga tauhan ng isang pulitiko mga orihinal na dokumento sa tanggapan ng Commission on Audit ng Ilocos Norte.
Ang pagkuwestyun hinggil sa nawawalang orihinal na dokumento ay nabanggit sa ikatlong pagdinig ng Kongreso noong May 29 kung saan na-cite in contempt at nakulong ang anim na empleyado ng Provincial Government of Ilocos Norte (PGIN) dahil na rin sa umano’y hindi pagsagot ng mga ito sa mga tanong ng komite.
Samantalang ang tinaguriang “Ilocos 6” ay humiling lamang na kanilang makita ang orihinal na dokumento bago mag-testify.
Naging dahilan ito ni Rep. Rodolfo Fariñas upang sabihin sa pagdinig na ang mga nasabing empleyado ang nagwala ng mga dokumento.
Ayon kay Marcos, “Tinatanong din sa ‘kin, bakit daw nawala? Bakit hindi masumpaan ng Ilocos Six yung mga tseke na winawagayway? Bakit wala na yung original? Unang-una, tinurn-over namin ‘yan sa COA. Ang COA raw ang nakawala at sila naman ang nag-aamin na ito nga ang nangyari.
“Subalit biglang sumulpot ang sinumpaang salaysay,” dagdag pa nito, na isang affidavit na pirmado ng isang Pedro M. Gorospe, janitor at messenger sa COA office ang nagbunyag ng katotohanan.
“Ayon sa kanya, pinadukot sa kanya. Eh ‘di alam na natin kung sinong dumukot noon. Papaano ko mapro-produce ang original?,” ani Marcos.
Baka ito na yong karma s pamilya na to.
harapin mo na sa congress di sa medya
PAGAWA KA SA RECTO NG ORIGINAL