NAKAKAKILIG at nakakakiliti ang bromance sa videoseryeng Kailan Darating Ang ­Ayoko Na na magpe-premiere bukas (Biyernes, Abril 28) ng 6:00 PM sa YouTube channel na Star Music.

Five-part ang online drama series kung saan malalasap nina ­Orlando Sol at Blumark Roces ang sarap at kirot ng bromance.

Ang mga susunod na bahagi nito ay mapapanood sa Mayo 5, 12, 19 at 26.

“Para siyang pelikula!” excited na sambit ng nagdirek nito na si Maryo J. de los Reyes.

Tampok din sa serye sina Catherine Rem at Ruby Cayetano.

Syanga pala, ang kantang Kailan ­Darating Ang Ayoko Na ang ­carrier single ng ­unang solo album ni ­Orlando (isa sa members ng Mascu­lados Dos) na pinamagatang Emosyon.

Limang hugot songs ang nakapaloob sa album, na ang halaga ay P199.

***

Suwerte ang contest­ants ng Lin-ay Sang Neg­ros Beauty Pageant this year dahil haharanahin sila ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Lilipad si Dingdong papuntang Bacolod bukas para sa beauty ­pageant.

Makakasama niya si Mikoy Morales na magho-host ng timpalak.

Part pa rin ito ng participation ng ­Kapuso Net­work sa taunang ­Panaad Festival.