Oro umalma sa ‘kulong senior’

NI: ARCHIE LIAO

Umalma ang beteranang aktres na si Elizabeth Oropesa kaugnay ng bagong patakarang ipatutupad sa mga senior. Ito’y pagkatapos ang enhanced community quarantine sa bansa.

Sa bagong alintuntunin kasi, hindi papayagang makalabas ng bahay ang mga senior citizen dahil prone silang kapitan ng COVID-19.

Pumalag dito ang maraming senior lalo na iyong mga nagtatrabaho pa at nanatiling breadwinner ng pamilya. Maski si La Oro ay tumutol.

Ipinakita pa niya ang video kung saan nagbubuhat siya ng isang sakong bigas. Ito’y para patunayang hindi siya pabigat sa lipunan.

“I’m a senior citizen. This was taken only a few days ago.Isang sakong bigas yan. I am strong and healthy! Pag hindi ninyo kami pinalabas, that is when we will deteriorate and get sick! We are more productive than most citizens. We are not glued to our cellphones and computers. Utang na loob. Sir! Mahal na Pangulo! Paki ayos po ito! Mali eh!,” pakiusap niya.

Si Elizabeth ay staunch supporter ng Pangulong Rodrigo Duterte.