Ortigas business district alerto sa nCoV

Alinsunod sa direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG), ­nagpapatupad na ng mas mahigpit na preventive measure laban sa novel coronavirus ang Brgy. San Antonio, Pasig City kung saan naroon ang Ortigas Central Business District.

Ayon kay San Antonio Barangay Chairman Raymond Lising, bago pa man ang abiso ng DILG sa mga local government unit na bumuo ng team na mangangasiwa sakaling magkaroon ng kaso ng coronavirus sa kanilang lugar ay pinakilos na nila ang Barangay Health Emergency Response Team (BHERT).

Ang BHERT ay katulad umano sa Barangay Risk Reduction and Management Team.
“BHERT is mainly response for nCoV and it is composed of the barangay captain as chairman, barangay kagawad who heads the health and ­education committee as co-chairperson, ­members include barangay tanod and officials from the ­barangay health centers—midwife and nurse,” paliwanag ni Lising.

Sakaling magkaroon ng kaso ng novel ­coronavirus sa kanilang barangay, ang BHERT ang pangunahing kikilos hinggil rito.

Sinabi pa ni Lizing na nakatutok sila sa mga condominium at residential building at ­nagsagawa na rin ng inspeksyon sa mga nabanggit na ­establisimiyento para malaman kung sumusunod ang mga ito sa protocol ng Department of Health para mapigilan ang pagkalat ng novel coronavirus sa bansa.

“We gave the establishment information ­materials on how to stop the spread of the virus, ­especially that their usual customers are foreign ­nationals,” ayon pa kay Lising. (Tina Mendoza)