Noon pa man ay kilala na si Rosanna Roces (Jennifer Adriano Cruz in real life) sa pagiging palaban at pagiging straightforward sa kanyang mga sinasabi.
Sa presscon ng bagong teleserye ng Kapamilya network, ang family-oriented drama series na “Pamilya Ko”, inamin nito na 15-anyos pa lamang umano siya noon ay ang partner niya ngayong si Blessy Arias na ang kanyang karelasyon. Nagkasundo umano sila noon na mag-papaanak umano siya sa lalaki para magkaroon sila ng anak at naging anak niya ang kanyang panganay na si Grace Adriano. Pero nagselos umano si Blessy sa ama ni Grace kaya sila nagkahiwalay nang matagal. Nagkaroon ng isa pang anak si Rosanna, si Onyok.
Taong 1993 nang mag-asawa si Osang (Rosanna) sa businessman na si Tito Molina pero in 2004 ay nagkahiwalay silang mag-asawa at nagkaroon ng ibang nakarelasyon ang dating Seiko Films sexy star. Pagkaraan ng maraming taon ay muling nag-krus ang landas nila ni Blessy at sila’y nagkabalikan.
Aminado si Osang na si Blessy umano ang dahilan kung bakit maayos ang kanyang buhay ngayon.
Si Osang ay naging bahagi rin ng top-rating afternoon TV series na “Los Bastardos” bago niya simulan ang “Pamilya Ko” na magsisimulang mapanood ngayong September 9 bago mag-“TV Patrol”.
DJ Chacha nagregalo ng kotse sa ama
Three months pregnant ngayon ang radio DJ na si DJ Chacha sa kanyang husband na si Mike Guevarra.
Samantala, bago nag-asawa si DJ Chacha ay niregaluhan niya ang kanyang ama sa 61st birthday nito ng isang brand new Honda CRV car na nagkakahalaga ng P1.7M na huhulugan umano niya sa loob ng limang taon.
Ramona lumipat sa Japan
Tinalikuran man ni Ramona Revilla ang showbiz, wala siyang ipinagsisisi dahil napakaganda ng kanyang buhay ngayon.
Kapiling niya ang kanyang guwapo, mabait at responsibleng American engineer-husband na si Frederick Farrel.
Meron silang triplets na anak na sina Fersiana, Frederick at Freohsyl, now 6 years old at sila’y naka-base sa San Diego, California.
Pero ngayon ay nasa Japan sila. Naka-assign ang mister ni Ramona sa loob ng isang American base.
Nang pumasok siya ng showbiz, binigyan siya ng screen name ng dati niyang manager na Ramona Revilla. Base ito sa screen name ng veteran action star na si Ramon Revilla, Sr., ama ni Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr.
Ang kabuuan ng kuwento ng buhay pag-ibig ni Ramona ay matutunghayan nang buong-buo sa “Celebrity Talk” online show on Abante Tonite website, Facebook and YouTube channel bukas, araw ng Lunes, September 1, from 12 noon to 1 pm.
Ang mga past episodes ng “Celebrity Talk” on Abante Tonite ay inyong matutunghayan anytime sa website, Facebook at YouTube channel.