OSG umalma sa ‘tuta’ comment ni Saguisag

Binatikos ng Office of the Solicitor General (OSG) si dating Senador Rene Saguisag dahil sa komento nitong tuta ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing tanggapan.

Ayon sa OSG, ang pahayag ni Saguisag ay lumagpas sa limitasyon ng ‘decency and propriety.’

“The OSG cannot stomach this language. As a member of the legal profession, Mr. Saguisag should know better than to resort to gutter talk against his colleagues, with whom he has the duty to treat with courtesy, fairness and candor,” ayon pa sa statement ng OSG.

“Whatever personal misgivings he has in connection with official proceedings should be kept to himself,” dagdag pa sa statement.

Kahapon habang kinukuwestiyon ni Sagui­sag ang mga government lawyer na kumatawan sa Philippine National Police–Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Department of Justice (DOJ), sinabi nito na: “the OSG should be the tribune of the people, not tuta (lapdog) of this administration.”

Iniimbestigahan sa DOJ ang kasong sedition na isinampa ng CIDG laban kina Vice President Leni Robredo at iba pa kaugnay nang umano’y sabwatan sa planong pagpapatalsik kay Pangulong Duterte.

Si Saguisag ang kumatawang abogado ni Senador Risa Hontiveros na isa sa mga respondent.

Naging sentro ng isyu kung dapat bang umapir o dumalo sa preliminary investigation ang OSG bilang tagapagtanggol ng gobyerno? Para kay da­ting Solicitor Ge­neral Florin Hilbay, li­mitado ang kapangyarihan ng OSG sa pag-aapela sa mga matataas na korte.

Gayunpanam, na­ngatwiran naman si Solicitor General Jose Ca­lida na ayon sa Admi­nistration Code of 1997, may mandato ang OSG bagama’t may itinakdang limitasyon kabilang ang pagre-represent sa mga local government unit at public official na may kasong criminal.

Tungkulin umano ng OSG na katawanin ang estado sa korte, tribunal, o komisyon sa anumang kaso na nakakaapekto sa kapakanan ng taumbayan.