Nanawagan ang isang ospital sa Mandaluyong City na habaan ang pagbibigay sa kanila ng supply ng tubig, kasunod ng nararanasan nitong kakulangan sa kanilang supply.

Hinayag kahapon ng pamunuan ng VRP Medical Center sa isang pana­yam, na may kabuuang pitong oras kada araw ang ibinibigay sa kanilang supply ng tubig.

Tumutulong naman umano sa kanila ang mga fire truck para magbigay ng rasyon, ngunit hindi ito sapat para sa kanilang operasyon kaya naman pinakiusapan nito ang mga pasyente at staff na magtipid sa paggamit ng tubig.

Gumagawa na umano ng paraan ang Manila Water upang mabigyan ng prayoridad ang mga ospital at paaralan.