Ospital ng ketongin sa CamSur pang-St. Luke’s ang serbisyo

Ang dating Sanitarium Hospital sa Barangay Isidro, Cabusao, Camarines Sur ng mga ketongen ay isa na sa maganda at maayos na ­ospital na may 450 higaan.

Ito ay makaraang ipasa ang House Bill 2987 ni Congressman Rolando Andaya at Senate Bill 1654 ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na dating “Bicol Sanitarium” na pagamutan ng mga may ketong.

Ang nasabing ospital ay tinagurian na nga­yong Bicol Regional General Hospital and Geria­tric Medical Center (BRGHAGMC) na masang-­masa ang dating.

Isa ito sa may pinakamagandang pasilidad na ospital na may makabagong mga aparato gaya ng X-ray machine na computerized kung saan ay sa loob lamang ng ilang minuto ay makikita na agad ang resulta.

Ayon kay Dr. Edgardo Sarmiento, director ng Bicol Regional General Hospital and Geriatric Me­dical Center (BRGHAGMC), maraming mga Bico­lanong kapus-palad ang mabibigyan ng kanilang serbisyo sa tulong ng mga makabagong mga medical na aparato.