Ospital para sa mga OFW prayoridad ni Bong Revilla

Tiniyak ni dating Senador ­Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na kanyang itutulak ang pagtatayo ng ospital para sa mga overseas Filipino worker (OFW) at kanilang pamilya, sa oras na manalo sa May 13 midterm elections.

“Mayroon tayong Veterans’ Hospital para sa ating mga buhay na bayani. Bakit wala tayong OFW Hospital para sa mga bagong ­bayani?” tanong ni Revilla.

“We should give equal care and importance to our modern day ­heroes,” dagdag ni Revilla.

Binanggit pa ng dating senador na ang pagtatayo ng OFW Hospital ang magiging paraan ng gobyerno para suklian ang paghihirap at sakripisyo ng ating mga kababa­yang nagtatrabaho sa ibang bansa.

“Kailangan nating ipakita ang ating pasasalamat sa ating mga OFW. We owe them that much,” aniya.

Si Revilla ay isa sa mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Isa rin si Revilla sa 12 kandidato na pinapaborang mananalo sa darating na halalan, base sa mga naglabasang survey ng Social Weather Station (SWS) at Pulse Asia. (Lorraine Gamo)