Ipinalilibre ni Star for All Season at Batangas Rep. Vilma Santos-Recto sa buwis ang overtime (OT) pay ng mga manggagawa upang lumaki umano ang take-home pay ng mga ito tuwing araw ng sahod.
Sa House Bill 2599 na inakda ni Santos-Recto, nais paamiyendahan nito ang Republic Act (RA) 8424 o National Internal Revenune Code of 1997 para ihiwalay sa gross income ng mga manggagawa ang kanilang overtime pay.
“If the employee works beyond eight hours, the employer is required to pay additional compensation equivalent to the employee’s regular wage plus at least 25 percent of his regular wage. If the employee renders overtime on a holiday or rest day, the rate is increased to 30 percent,” ani Santos-Recto.
Bukod dito, hindi aniya biro na mag-overtime sa kanilang trabaho ang mga manggagawa dahil imbes na magpahinga para makarekober sa kanilang pagod ay pinakakayod pa kaya nararapat lamang na huwag nang singilin ang buwis sa kanilang extra hour sa pagtatrabaho.
“It is only fitting that the employee be properly compensated for additional work hours rendered,”dagdag pa ng lady solon.
I strongly agree!
yes. good news po ito madam para sa amin na ngtatrabaho sa private sector sana po maging batas na ito kc ung overtime namin wala rin napu2ntahan dahil sa tax kapiranggot nlng ang napu2nta sa amin salamat po.
ayos sabihin sa mister mo yan R.Recto na nag pasimuno ng 12% EVAT.