STANDINGS W L
Phoenix Pulse 9 2
Rain or Shine 8 3
TNT KaTropa 6 3
Barangay Ginebra 5 3
San Miguel Beer 6 4
NLEX 4 5
Magnolia 3 5
Columbian 4 6
Magnolia 3 5
Alaska 3 5
Meralco 3 6
NorthPort 2 5
Blackwater 2 8

Pumanday ng double-double jobs sina Team Pilipinas members Earl Scottie Thompson at Paul Japeth Agular upang bitbitin ang Barangay Ginebra San Miguel sa paglasing sa Magnolia sa overtime, 97-93, sa Manila Clasico ng PBA Philippine Cup elims Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.

Nagbaon si guard Thompson mula sa bench ng 27 points, 11 rebounds, 5 assists, steal block sa 41:37 minute work, habang nagpader si Aguilar ng 16 markers, 12 boards, 6 feeds, tig-2 stls. at blks. at ast. para sa maingay ay maligayang gabi ng crowd favorite squad.

Kontrolado ng Gin Kings ang game, nakaposte ng hanggang 15-point, bago nakahatak ng five-minute extra period ang Hotshots Pambansang Manok, saka ang pagkipkip ng winning squad ng komposyur doon.

Sampa ang BGSM sa ikaapat na puwesto sa barahang 5-3 win-loss record, nabuhayan pa sa paghahabol sa top 2 finish na may win-once bonus pagsapit ng quarters. Lugmok sa ikawalo ang mga magmamanok kasoyo ang idle Alaska.

Bumakas pa sina Greg Slaughter ng 11 puntos at ang bagong Iron Man ng liga na si LA Tenorio ng 10 para sa balanseng opensiba ng Ginebra.