‘Oust Duterte’ hindi magtatagumpay — Palasyo

Minaliit ng Malacañang ang ­sumingaw na umano’y planong pagpapatalsik kay ­Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi umano ito ­magtatagumpay.

Naglabas ng reaksyon si Presidential Spokesperson Salvador Panelo makaraang magtipon ang ilang grupo sa People Power Monument na sumisigaw na magbitiw ang Pangulo.

“‘Di ba wala pang 100 yata ang dumating? ‘Yun ang sinasabi ko. Pipe dream lang yun,” sabi ni ­Panelo sa isang radio interview.

Tinawag nitong ‘wishfull thinking’ o nana­ginip ng gasing ang sinumang nagsusulong ng oust Duterte move.

“It’s a wishful thinking. Iyan ang statement we have to make. Wala ‘yun. They can always try. Wala. Hanggang doon na lang sila,” dagdag pa nito. (Prince Golez)