Dahil naniniwalang ang rehabilitasyon sa mga drug users ang susi para magtagumpay ang ‘all-out-war’ kontra droga ng pamahalaan, isinusulong ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang pagkakaroon ng ‘out-patient facilities’ para sa drug users na gusto nang magbagong buhay.
Ayon kay Barbers bagamat nakasaad sa Section 75 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 na dapat magkaroon ng drug treatment at rehabilitation center sa bawat probinsiya ay dapat din umanong ikonsidera ang gastusin para sa konstruksyon nito.
Aniya, habang wala pang pondo para sa pagpapatayo ng mga rehab centers ay dapat unahin na muna ang pagkakaroon ng ‘out-patient drug treatment and rehabilitation facilities.’