Ovary sumasakit sa sobrang pagod, replacement hirit sa recruiter

Magandang araw po.. Nais ko po sana humingi ng tulong dahil po sa aking ovary,sumasakit n po kasi pag sobra pong pagod.

Ako po si Josie A. Larua, last time na nagpahilot po ako may possibility daw po lumbas na ang matres ko kaya natatakot po ako. Dati pa po irre­gular po talaga ako at ngayon sinumpong na naman po after 3 months po ko dinatnan. Hindi ko naman po talaga akalain na ganito pong buhay ang kakaharapin ko malayo po sa katwiran na makakaipon ako at magkakaanak pag uwi.

Nagpaalam na po ako last time ang sagot po tawagan daw po ang agency at ibalik ang binyad nila na nasa 27thou riyal oh kaya po sa pamilya ko daw po ang magbayad at makakauwe po ako.

Pinakita ko po ang contrata na wala po kaming dapat bayaran. Nakiusap po ako sa agency na kung puwede po nila ako ma-replace dito ayun na din po sa contrata naming pinirmahan dahil valid naman po ng reason ko.

Pero wala naman po silang tugon para sa replacement ko.Tungkol naman po sa sahod delayed po kamakalawa lang po binugay ung sahod ko sa buwan ng July. Inulit ko po bkit wala ung for august sa susunod nalang dw po.

Nagpa-check-up po kami at normal lang daw po ito na sumasakit kaya nagreseta po sila ng pills.. Ako na rin po ang nagbayad sa check-up at gamot dahil akhit nasa contract po na sila ay ok na rin po dahil para sakin naman po ito.

Halos bagsak na rin po ang timbang ko ng 4 ng kilo..at sa ngayon po unti unti ko na po nararamdamang may masakit sa right side po ng likod ko.Hindi rin po nasusunod ung sa food allowance kalimitan po itlog lang po talaga minsan lang po ang manok..

Kung gusto ko daw po ng iba ako na po bahala gumastos.. pati po mga sabon at shampoo..na sa iba ay libre naman po..Hindi naman po cla nanakit . Mhirap n rin pong mgreklamo pa  sa mga nakasaad sa contract kaya mas gustuhin ko nalng po talagng makauwe na ang pinaka-pinag-aalala ko po talaga ay itong ovary ko.. at sana po makauwe na po at makapapagamot po at mgakachance po sana na mareplace ako ng agency.. na kaso po ay sarado po ayun po sa agent ko nag ooperate po cla ngayun sa agency ng ALMUSTACBAL na pag aari din po ng REJOICE EMPL. AGENCY.. Salamat po

****

Nauna nang ipinarating ni United OFW convenor G. John Leonard Monterona ang problema ni Josie A. Larua na nagtatrabaho sa Saudi Arabia sa mga ahensya ng gobyerno partikular sa POLO-OWWA, OWWA RAD, POEA REPATRIATION UNIT at OFFICE of the POEA ADMINISTRATOR at maging sa REJOICE EMPLOYMENT INT’L ang problema ni Josie para makaasyunan.

Inilathala ng BayaniKa ang kahilingan ni Josie para makalampag ang mga nabanggit na mga ahensya ng pamahalaan upang mapabilis ang pagpro­seso ng kanyang repatriation dahil sa mapaganib na sitwasyong pangkalusaugan nito at makuha na kanyang benepisyo gayundin ang mga naantalang sahod.