Overcharging sa power consumer

punto-de-oro-box Gani Oro

Dapat ay bigyang pansin agad ang kahi­lingan ng isang consumer group na Alyansa para sa Bagong Pili­pinas (ABP) sa Korte Suprema na magpala­bas na agad ng Temporay Res­training Order­ (TRO) sa umano ay maanomal­yang kontrat­a na pinasok ng Energy­ Regulator­y Commission (ERC) at ng pitong mala­king ­power producers.

Mayroon nang petis­yon sa Korte Suprema ­sina ABP legal counsel­ Atty. Cristina Yambot, Atty. Neri Colmenares at Consumer Advocates noong nakaraang November­ 9, 2016.

Ayon kay ABP Exe­cutive Director Noel Villones, kuwestyunable umano ang kontratang pinasok ng ERC sa 7 malalaking power producers dahil isinagawa ito sa pamamagitan ng midnight contract at kung matutuloy ang kontratang ito, ang mga consumer ay magdurusa sa loob ng 25 taon.

Matatandaan na ipinag-­utos noon ni Energy­ Secretary Jericho­ Petilla na magpatupad ng bidding o Competi­tive­ ­Selection Process at sa kabila na may ­petisyon nang inihain ang isang consumer group, pero pili­t pa ring pinalusot ang kontrata.

Kung matutuloy umano ang naturang kontrata ay mas lalo umanong magpapalakas ito sa monopolyo ng iilang ­malaking kum­panya sa industriya ng kuryente sa bansa na nagreresulta sa mas mataas na ­singil sa kuryente.

Mula pa noong 2001 ang mga electric consumer­ ay sinisingil ng sobra ng Meralco ng P1.50 kada kilowatt hour o P30 bilyon kada taon at sa pagpasok sa bagong kontrata mas malaki pa umano ang overcharging na mararanasan ng mga electric consumer.

Maging ang Philippine Competitive Commission at ang Ateneo Law school ay naghain na rin sa Korte Suprema ng kahalintulad na petis­yon nitong nakaraang ­Disyembre.

Pakiusap natin sa SC, aksyunan na ito agad dahil baka lalo pang madagdagan ang kalbaryo ng ating mga kababayan sa bayarin sa elektrisidad lalo na ngayong napi­pinto na namang tumaas ang ­presyo ng kuryente.