Sumigaw ng overkill ang kampo ni Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo dahil sa umano’y sobrang daming ­ahensya ang ginamit ni House ­Speaker Pantaleon ­Alvarez ­para wasakin ang negosyo ­nito gayong pare-pareho ­naman ang mga isyung inilalabas laban dito.

Ito ang pananaw ng ilang kongresista na ­hindi na nagpabanggit ng pa­ngalan at nagsabing ma­lamang ay ganito rin ang mga isyung maglalabasan sa pagdinig ngayong araw.

Matatandaang unang nagsalita si Alvarez na siya mismo ang mag-iimbestiga sa kasunduaan ng Department of Justice (DOJ) at ng Tagum ­Agricultural Development Company (TADECO) na umano’y ikinalugi ng pamahalaan.

Sinakyan din ni Secretary Vitaliano Aguirre ang isyu na malapit na ring maglabas ng negati­bong opinyon dahil wala pa mang imbestigasyon ay panay banat na sa nasa­bing joint venture agreement (JVA) ng pamahalaan at TADECO.

Sinakyan din ni Solicitor General Jose Calida ang usapin na hinatulan kaagad na lugi ang gobyerno na premature na deklarasyon.

Dahil sa magkakaugnay na punto iginiit ng TADECO na iisa lang ang ibinabato ng mga kritiko sa kumpanyang pag-aari ni Floirendo.

“Ang paratang na ang joint venture agreement sa Bureau of Corrections/DOJ, ay “grossly disadvantageous to the government” ay mali,” ayon sa TADECO.

“This rehabilitation program has been found to be very successful by BuCor up to the extent that the latter has even ­requested TADECO to replicate the JVA program to its penal colony in Iwahig, Palawan,” dagdag pa ng TADECO.

Kahapon ay ­sinibak din sa Commission on Appointment (CA) si Floirendo, isang araw bago simulan ang imbes­tigasyon sa land deal sa pagitan ng TADECO at BuCor.

11 Responses

  1. Secretary Vitaliano Aguirre wala pa naman palang imbestigasyon ay panay banat ka na. Try to visit the plantation, baka kainin mo lahat ng pinagsasabi mo.

  2. Hindi na sya nag iisip ng Matino. Padalos dalos na si Alvarez. Dapat isaalangalang nya ung nasa baba na madadamay sa pinag gagawa nya. Sarili nalang nya isiisip nya. Wala na sya pakelam kung madamay. Basta mapabagsak lang kontra sakanya,kahit pa may mpwerwisyong mamamayan. Pasikat talaga! Yabang nya!

  3. Totoong overkill na naman talaga. Pinaparusahan nila si Floreindo dahil sa away nila ni Alvarez tapos isasama nila ang 14000 workers na tatanggalan nila ng rehabilitasyon at trabaho gahil sa personal na vendatta. Napaka-stupid na move Alvarez at mga kaibigan mo.

    1. Stupid talaga. Di titigil yan hanggat di niya napapabagsak ang TADECO. Dahil may posisyon sya, kaya nyang gawin kung ano gusto niya at may kapangyarihan na magsalita. Pero na kay Digong talaga ang desisyon.

      1. He should be more diplomatic sa galaw pero nililiteral niya ang pagbawi niya sa issue. Thru diplomacy nga kaya hes attacking TADECO. How i wish na sana pakinggan ang mga plight ng workers ng TADECO.

      2. Isipin nila ang mga tatapakan nila sa mga aksyon na ginagawa. Nakakawala ng tiwala ang mga tulad ni Alvarez. Sana pakinggan ng Digong ang totoo at ikakabuti ng lahat. Masyado kasi tong si Alvarez.

  4. Di talaga titigil tong si Alvarez. Kahit pa di kampi sa kanya ang batas babaloktutin niya ito para makuha gusto niya.