Isang overstaying Myanmar national ang dinampot at isang Iranian ang hinuli sa magkahiwalay na operasyon ng intelligence division ng Bureau of Immigration (BI) sa Laguna at Batangas.

Kinilala ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. ang dayuhang naaresto sa pagiging overstaying na si John Simon, 25-anyos.

“He was arrested Thursday (March 5) morning in his residence through the assistance of the Sta. Rosa City Police, which resulted in a joint operation against the subject. Upon verification of his travel documents, it was confirmed that he arrived in the country in 2012 and been overstaying since 2016, which is a deportable offense,” ayon sa ulat ni Manahan.

Sumunod na inaresto si Arazil Saeid, 42, sa Lipa City, matapos dumalo sa isang pagdinig sa Lipa City Hall of Justice, kasunod ng isang warrant of deportation na inilabas noong Nobyembre.

Sa rekord ng BI, si Arazil ay nagkamali sa kanyang aplikasyon para sa pansamantalang paninirahan at iniutos na palayasin noong Agosto 2018.
Ang dalawa ay kasalukuyang nakakulong sa BI Warden Facility habang inihahanda ang kanilang deportasyon. (Mina Aquino)