Inulan tayo ng reaction mula sa OFWs, via usapang_ofw@yahoo.com at 551-5163, kaugnay ng historic congressional joint session na nag-extend sa Martial Law sa Mindanao hanggang Dec. 31, 2017.

Tulad ng botong 261-18 sa hanay ng mga senador at kongresista, overwhelming majority rin ng OFWs na nagbantay sa proceedings ang panig sa extension.

Ang common thread ng mga reaction ay kailangang 100 percent ang suporta sa pagwasak sa mga pwersa na nanggugulo sa Mindanao tulad ng Maute Group na umatake sa Marawi City.

Sakit ng buong katawan

Ayon kay Ronaldo, plumber sa Dubai, ang nangyayari sa Mindanao ay hindi pwede ipagki­bit-balikat ninuman dahil kung hindi ito aaksyunan ay maaaring kumalat sa iba pang bahagi ng Pilipinas.

“Ang tendency kasi ng mga taga-Luzon ay isipin na limited lang sa Visayas o Mindanao ang problema kung kaya problema na ito ng mga taga-South,” aniya.

“Iisang bansa tayo. Kapag masakit ang kalingkingan, masakit ang buong katawan,” dagdag ng OFW.

Walang teka-teka

Para naman kay Malou, household worker sa Singapore, hanggat may naghahasik ng gulo sa Minda­nao ay dapat lang na gamitin ng pamahalaan ang lahat ng pwersa nito para maibalik ang kapayapaan sa rehiyon at ma-rehabilitate sa lalong pinakamadaling panahon ang Marawi.

“Hindi pwedeng teka-teka. Tama lang na ituloy ang Martial Law sa Mindanao. Hindi naman nagbababa ng armas ang mga kalaban so bakit sila tatantanan ng mga kasundaluhan natin,” ani Malou.

May isa o dalawa namang tutol sa Martial Law extension, kabilang ang isa na medyo naive ang paniniwala na lahat ng bagay ay pwede idaan sa maayos na usapan.

Unity

Well, hindi lang ang outcome ng botohan ang kapansin-pansin kundi pati ang pagiging lively ng palitan ng opinyon bago ang botohan.

Nag-mature na kahit papaano ang ating demokrasya dahil may pagkakaiba-iba man ang posisyon ng mga mambabatas ay natapos rin ang lahat sa pagkakaroon ng unified position.

Nakakatuwa rin na very active talaga ang OFW sector sa pagsu­baybay sa mga kaganapan sa ating bansa. After all, nasa abroad man sila ay apektado sila ng lahat ng nangyayari at mangyayari pa sa Pilipinas.

Follow me on Twitter @beeslist or email usapang_ofw@yahoo.com or call 833-0785 for your comments and questions.