Overworked at madalas na pagsusuka inireklamo ng OFW sa Jeddah

balik-bayan-box-ofw-2 bayani ka

Sir/Madame,

Respectfully forwarding request for assistance and repatriation from OFW Ms. Novelyn S. Da-an. Pls. find additional information below.

We will highly appreciate your prompt action.

Sincerely,

(Sgd) John Leonard Monterona

U-OFW

***

Si Ms. Da-an ay dumating sa Jeddah, Saudi Arabia noon pang Nobyembre 17, 2015 sa pamamagitan ng GOLD ICON RECRUITMENT AND PROMOTION INC. sa Pilipinas na ang counterpart sa Saudi ay ang ALHOGORI RECRUITMENT OFFICE.

Idineploy ang ating kababayan sa employer­ nitong si Mohamed Omar Abdala Alskekh sa ­Alhwara District Alhwra City, Yanbu.

Ang idinadaing ni Ms. Da-an ay ang sobra-sobrang oras ng pagtatrabaho na humantong na sa madalas na pagsama ng kanyang pakiramdam.

Ang matindi pang idinadaing ni Ms. ­Da-an­ ay ang madalas na niyang pagsusuka.

Kaya kesa raw lumala pa ang sakit sa poder ng kanyang employer ay humihiling itong tulungan na makauwi na lamang ng Pilipinas upang makapagpasuri.

***

Ang hinaing na ito ni Ms. Da-an ay nauna na ring naiparating ni U-OFW sa POLO-OWWA­ JEDDAH,OWWA RAD, POEA REPATRIATION UNIT at OFFICE OF THE POEA ADMINISTRATOR pero muli pong kumakatok ang BayaniKa sa pagnanais na mabigyan ng agarang aksyon ang idinudulog na reklamo ni Ms. Da-an.

Hangad namin ang mabilis na pagtugon ng nasabing mga ahensya ng ating gobyerno na siyang nakatoka sa pangangalaga sa kapakanan ng ating mga kababayang OFWs.