P.1K shabu nasamsam sa buy-bust

Sa kulungan ang bagsak ng limang suspek sa droga makaraang makumpiskahan ng 41 pirasong plastik ng shabu na may street value na P108,800.00.

Sa report, isinagawa ang buy-bust ng mga operatiba ng Pasay Police – Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kamakalawa.

Sinalakay ang isang bahay na ginagawang drug den ng mga naarestong suspek sa 1918 Tramo St, Barangay 57 sa Pasay City.

Bukod sa nasabing halaga ng droga na nakumpiska ay nasamsam din ng mga awtoridad ang ilan nilang drug paraphernalia. (Eric Ocapan)