P.1M shabu nakapkap sa delivery man

Naharang ng mga awtoridad ang isang delivery man maka¬raang mabuko at masamsam sa isinagawang¬ Oplan Sita ang umaabot sa P102,000 halaga ng iligal na droga sa Quezon City, nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brig. Gen. Ronnie Montejo, ang delivery man ng shabu na si Jerome Tataro, 28, ng Brgy. Bahay Toro.

Sa report, sakay ng Honda Wave 125 (WI 5230) ang suspek nang parahin sa itinayong Oplan Sit’ ng QCPD Talipapa Station 3 na pinamumunuan ni Police Lt. Col. Benjamin Gabriel Jr., dakong alas-5:30 ng umaga sa Project 8, Brgy. Bahay Toro, dahil sa walang suot na helmet.

Sa halip na huminto, sumibat palayo sa mga pulis ang suspek kaya ito hinabol.

Nang makorner at nang kapkapan ay nadiskubre ang dala niyang 12 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000. (Dolly Cabreza)