P.30-P.40 sentimong bawas presyo sa petrolyo

May nakaamba na pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Base sa mga kompanya ng la­ngis, tinata­yang nasa P0.30-P0.40 kada litro sa gasoline, P0.20 hanggang P0.30 kada litro sa diesel habang sa kerosene ay nasa P0.30 hanggang P0.40 naman sa kada litro ang rollback.

Umabot nang mahigit tatlong piso ang naging pagmahal sa gasolina at P2.40 naman sa diesel at kerosene dahil sa magkakasunod na taas-presyo.

Ang nakaambang bawas sa presyo sa produktong petrolyo ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Nabatid na nasa limang linggong magkakasunod na oil price hike at ngayon ay may nakaambang rollback.(Armida Rico)