Umaabot sa P40-milyong piso ang kabuuang damage sa nasunog na Robinsons Place sa Tacloban na tumagal ng 17-oras na pagliyab noong Miyerkoles ng gabi, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Ayon kay BFP Eastern Visayas Regional Director Sr. Supt. Renato Marcial, halos 30 percent ng mall ang natupok ng apoy kaya pansamantalang ipinasara ng management ang operation nito.

Dagdag pa nito na ongoing pa rin ang imbestigasyon.

Nabatid na nasa 39 fire truck ang agarang nagresponde para maapula ang nasusunog na mall na mahigit 10-taon na ang operasyon simula nang magbukas ito noong Hunyo 2009. (Vick Aquino)