P.5M regalo ng Zambo kay Hidilyn

Natanggap na rin kahapon ng Rio Olympics silver medalist na si Hidilyn Diaz ang halagang P500,000 incentive na ipi­nangako ng Zamboanga City dahil sa karangalang iniuwi nito sa bansa.

Mismong si Mayor Beng Climaco ang nagbigay ng tseke kay Diaz sa harapan ng kanyang coach na si Alfonsito Aldanete.

Tuwang-tuwa naman si Diaz sa nakuhang salapi at muling inulit na gagamitin niya ang pera sa pagpapagawa ng isang gym sa tabi ng kanilang bahay sa Barangay Mampang upang mahikayat ang iba na magsanay sa weightlifting at maging bahagi ng national squad sa iba’t ibang internatio­nal competition.

Noon nakaraang lingo lamang dumating si Diaz sa Zamboanga City mula ng manalo sa Rio Olympics at nauna na itong binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng P7 mil­yon incentive.