P 6.8M shabu nasamsam sa Angeles

Nasamsam ng mga awtoridad ang 1.2 kilo ng pinaghihinalaang shabu o may street value ng P6.8 milyon sa isinagawang anti-illegal drug bust sa Barangay Sta. Trinidad, Angeles City, Biyernes ng hapon.

Kinilala naman ang suspek na may dala ng iligal na droga na si Michael Balingit, 39, ng nasabing bayan.

Ayon sa Angeles City Police Station (ACPS), bago ang operasyon ay nakatanggap sila ng intelligence report na ang suspek ay magde-deliver ng shabu sa naturang barangay.

Dito, nagkasa ng buy-bust operation laban sa suspek.

Ilang miyembro ng ACPS ang umaktong undercover agent at pinosasan si Balingit pagkaabot ng iligal na droga.

Nakumpiska mula kay Balingit ang 13 plastic ice pack na may lamang hinihinalang shabu at P3,000 kasama ang 21 pirasong pekeng P1,000.
Nakakulong ng