P .8M na alahas nilimas; 10 kawatan kalaboso

Arestado ang 10 katao kabilang ang anim na menor de edad, nang inguso sa ginawang pagnanakaw sa isang negosyante sa Sta. Rosa City, Laguna.

Sa ulat ng pulisya, natutulog umano ang may-ari ng bahay na si Jonathan Peña San Juan, 58-anyos, taga-Brgy. Balibago, nang looban ng mga magnanakaw dakong alas-2:45 kamakalawa ng madaling-araw.

Natangay ang tatlong pares ng alahas at mga personal na gamit ng pamilya na aabot sa P835,900. Dumaan umano ang mga suspek sa likurang pinto ng bahay.

Natukoy ang mga suspek makaraang ituro ng mga testigo na nakakita sa mga ito dala ang mga ninakaw na gamit habang papalayo sa lugar.

Kabilang sa mga suspek sina ­Rodrigo Imperial Mariano, 24-anyos; Veronica Babasanta Dungao, 20; Jonel Baldonado Matanguihan, 20; Iron Vincent Oblino Cardinas, 19 at anim na iba pa.

Hindi nabawi ang mga ninakaw ng mga suspek.