P1.2B pinsala sa mga palayan sa Iloilo

Umabot sa P1.2B ang pinsala sa palayan sa Iloilo ang naitala ng Provincial Agriculture Office.

Ayon kay Elias Sandig, Assistant Provincial Agriculturistm wala umanong lokal na pamahalaan sa lalawigan ang hindi naapektuhan ng El Niño.

“All 42 municipalities and the component city of Passi are affected,” ani Sandig.

Batay sa tala ng PAO, may kabuuang 7,495 hektarya ng palayan ang nakaranas ng total damage habang 19,568 ang bahagyang napinsala. Nasa 62,791 metriko tonelada naman ang kabuuang volume ng mga pananim ang nasira. (PNA)