P1.2M drainage project sa Cebu

Ibinigay na ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa ilalim ng Drainage Improvement System Project ang P1.2 million flood control assistance sa mga taga-Barangay Mancilang, Cebu.

Ayon kay DAR Regional Director Alejandro Otacan, ang nasabing pondo ay mula sa Bottom-Up Budgetting (BUB) na nakatakda para sa pagsasa-ayos ng komunidad sa mga malalayong lugar.

Katuwang ng DAR ang local government unit (LGU) kung saan nagkaloob ng dagdag na P200,000 ang lokal na pamahalaan ng Cebu.

Sa proyektong ito, makikinabang sa drai­nage system ang 169 agrarian reform beneficiaries (ARBs) at 343 non ARBs ng Barangay Mancilang at iba pang residente ng Barangay Talangan, Poblacion at Malbagoa sakop ng bayan ng Madridejos, Cebu.