P1.3B buwis habol ng BIR sa online sabong ni Reyno

Sabay-sabay na nilusob ng Bureau of Internal Revenue Huwebes ng gabi ang 19 na sangay ng Manila Cockers Club Inc. (MCCI) sa Quezon City na mga nagpapatakbo ng online sabungan­ at kinumpiska ang mga hindi rehis­tradong automated ticket dispensing machine at offsite cockpit betting machine.

Isinagawa ang pagkilos sa bisa ng mission order na pinirmahan ni BIR Commissioner Caesar Dulay.

Ayon kay BIR Depu­ty Commissioner Marissa­ Cabreros, P1.3B sa tax nawawawala sa kaban ng ahensya mula sa operasyon ng betting machines.

Ang MCCI ay pag-aari ng Manila Jockey Club, Inc. na pinamumunuan ni Alfonso ‘Boy’ Reyno.

Aniya, maliit lang ang 19 na sakop ng tax compliance verification drive mula sa 132 MCCI branch. Labas pa rito ang hindi rin tamang pagbabayad ng documentary stamp at final withholding tax.

Sabungan ang negosyo ng MCCI, kasama ang paggawa ng mga sabungan, pag-broadcast ng mga sabong, at pagtanggap ng bayad sa mga pusta.
(Eileen Mencias)