P1.3T sa stimulus bill magbabangon sa ekonomiya

Palalakasing muli ng P1.3 trilyong pondo ng “Accelerated Recovery and Investment Stimulus for the Economy” (ARISE) ang ekonomiya ng bansa upang makabawi sa pagkalugmok dulot nang pananalasa ng Covid-19.

Ang pahayag ay sinabi ni House Ways and Means Chair Albay Rep. Joey Salceda, kung saan ang ARISE umano ay ang dating Philippine Economic Stimulus Act o PESA, isa sa may mga pinakamalaking suporta mula sa mga mambabatas dahil umabot sa 267 ang co-authors nito nang ihain ito sa Kamara kamakailan.

“A total of P586 billion will be allocated for the year 2020 and P10 billion will be spent on extensive testing, to relieve people’s doubts and fears, especially in the wake of workers. ani Salceda sa isang panayam.

Agad naman na inaprubahan ng Defeat COVID-19 ADHOC panel ang ARISE nito lamang nakaraang linggo para sa plenaryo.

Ayon kay Salceda, co-chair the Economic Stimulus Package subcommittee of the Defeat COVID-19 panel, ang proposal ay naglalaman ng mahahalagang pamamaraan upang panandaliang makabangon ang ekonomiya at malunasan ang takot ng mga mamamayan sa pamamagitan ng mga kongkretong pagkilos tungo sa matatag na kabuhayan.