Binatikos ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang Department of Energy (DOE) na umano’y magpapalutang ng P1 power rate hike dahil sa inaasahang Malampaya shutdown.

Ayon kay Zarate tila nagiging tagapagsalita na ng power distributor ang DOE na siya pang nangunguna sa pag-aanunsyo ng taas sa singil sa kuryente.

“Bakit ipapasa sa consumers ang cost ng maintenance shutdown at paggamit ng ibang fuel samantalang kasama dapat ito sa operational expen­ses ng kumpanya?” ­pahayag ni Zarate.

Nangangamba ang kongresista na gamitin na namang modus operandi­ ang Malampaya shutdown at samantalahin na magtaas ng singil sa kur­yente gaya ng mangyari noong 2013 na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang imbestigasyon ukol sa naganap na shutdown.

Ani pa Zarate bago pa man bigyan ng DOE ng go signal ang power rate hike ay dapat ilabas muna ang resulta ng imbestigasyon ng ERC sa kung ano ang tunay na dahilan ng Malampaya shutdown noong 2013.

Ang inaasahang shutdown ng Malampaya ay dahil sa gagawing maintenance works sa planta.