Dear Sir:
Imbitasyon o panghihikayat umano ang pagbibigay ng P100,000 na pabuya sa makakapatay o makakahuli sa miyembro ng Communist Party of the Philippines at New Peoples’ Army (CPP-NPA).
Sinabi ni PCPR spokesperson Nardy Sabino na ilagak na lang sa pondo ng free tertiary education ang pang enganyo ng gobyerno na pera para sa pagkakapatay o pagkakadakip sa mga miyembro ng CPP-NPA.
Nakikisali pa itong si Anakpawis Representative Ariel Casilao na paglabag umano ito sa karapatang pantao. Alam naman natin na itong si Mr. Sabino at Mr. Casilao ay nagtatago pa sa pangalan ng ibang grupo ngunit tunay namang galamay pa rin ng NPA.
Hindi na epektibo ang pagtatago nila sa pangalan ng ibang party list upang ipagtanggol ang kanilang mga kabarong NPA, tutulungan nila ito sa pamamagitan ng pagkundena sa gobyerno. Lumang tugtugin na ang paglabag sa karapatang pantao, dahil mismong NPA pumapatay ng sibilyan, nangingikil at namemerwisyo ng kapwa Pilipino.
Subukan nilang kundenahin ang CPP-NPA kung kaya nila. Bakit nga ba naman nila kukundenahin, samantalang kaalyado nila ang mga ito ng palihim?
Jersan Arguilles
Mindoro