Pinadaanan sa pison nitong Lunes ng Bureau of Customs (BOC) ang may P109 milyong halaga ng nasamsam na smuggled na sigarilyo.

Ayon sa BOC, mula 2018 hanggang Marso 2020 kabuuang 2,183 na master case na naglalaman ng 21,830,000 na stick ng yosi ang nakumpiska nila.

Sinaksihan ang ginawang pagsira sa mga sigarilyo nina Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero at mga deputy commissioner kasama sina John Freda, CEO ng Japan Tobacco International. (Issa Santiago)