P10K umento ng mga guro huhugutin sa POGO

Suportado ni Iligan City Rep. Frederick Siao ang panukalang pagpapataw ng bagong buwis sa mga gaming hub sa ilalim ng Philippine Offshore Ga­ming Operators (POGO) para pantustos sa P10,000 accross the board na dagdag sahod sa mga public school teacher.

Ayon kay Siao, tanging sa buwis ng mga gaming hub o POGO maaaring makalikom ng P126 bilyon kada taon ang gobyero para sa dagdag sahod ng mga guro.

“Kung mapapatawan ng buwis o itakda sa batas na P126 billion share ng gobyerno mula sa buong POGO sector at ang share na ito ay para sa mga guro, mangyayayari ang hiling na taas sahod ng mga guro,” sabi ni Siao.

Aniya, patuloy na itinutulak ng mga guro sa mga pampublikong paaaralan ang P10K sa kanilang suweldo bagama’t ang malaking challenge para sa mga mambabatas ay kung saan huhugutin ito.

“Pay hike clamor would be like hitting two birds with one stone or solving two problems at once,” sabi pa nito.

Aniya, ipinanarating niya na kay House Ways and Means committee chairman at Albay Rep. Joel Salcade upang malaman kung possible ang nasabing plano.

“By labelling the P10K as allowances or add-ons to the basic pay, we avoid the complication of increasing the retirement funding which is attached to the basic pay figure. This is the the silver lining in this huge challenge,” pahayag pa ng mambabatas.

Noon lamang Nobyembre, inaprubahan ng House Bill No. 5267 na inakda ni Salceda na nagpapataw ng 5% franchise tax sa annual gross income ng POGO. (JC Cahinhinan)