Isinuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ng isang jeepney driver ang dalawang kilong shabu na may street value na P10M na kanyang nadamot sa ipinapasadang jeep sa Bacoor, Cavite.
Ipinrisinta ni NBI–AIDD Chief Atty. Joel Tovera sa mga mamahayag ang isang alyas ‘Joel’ na nagreport sa kanila kaugnay sa iniwang shabu na nasa loob ng kahon ng ‘Zesto’ na una niyang inakalang juice.
“Nakatulog ‘yong lalaking pasahero, tapos ng makarating kami sa terminal sinabihan ko siya na nasa terminal na kami bigla siyang nagpanik tapos nagtatakbo. Inihabol ko ‘yung kahon ng Zesto pero hindi niya pinansin, kaya inuuwi ko na lang sa bahay namin kasi akala ko juice lang pero kinabahan ako nang buksan ko at nakitang shabu,” ayon kay Joel.
Sa takot na tuntunin ng sindikato ipinasiya ni Joel na ialis ang kanyang pamilya sa Cavite pero iniwan sa kanyang bahay ang shabu at kalaunan ay nagpasya si Joel na i-report sa NBI ang napulot na shabu.