Sampung taon na pala nakaparada sa bank account ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang may P112 milyong end-of-service benefits ng overseas Filipino workers (OFWs).

Ang pondo ay nasa disposisyon ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers (OUMWA) ng DFA, ayon sa Commission on Audit (COA) na humikayat sa DFA na i-disburse na ang amount sa mga benepis­yaryo.

Pero ang problema pala ay wala raw database ang DFA ng rightful be­neficiaries ng pondo kung kaya gusto nito ipasa sa Department of Labor, particular sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang disbursement.

Just do it

Okay, whether DFA o DOLE ang mamuno sa disbursement, just do it kasi matagal nang naka-pending ang release ng pera.

Likewise, kung hindi pa pasisimulan ngayon ang unclogging ng backlog eh ‘di mas darami pa ang dapat bayaran na hindi mabayaran dahil sa ­operational snafu.

But of course, each year ay may bagong set ng beneficiaries ng end of service benefits so ayusin na dapat ng DFA at DOLE ang problemang ito na minana nila sa mga nakaraang administrasyon.

Kabilang sa end-of-service benefits ang financial assistance sa mga pamil­ya ng namatay na OFWs.

Inirekomenda ng COA sa DFA ang pagsasaayos ng disbursement procedure ng nasabing pondo upang mag-conform sa existing rules.

Hinikayat din ng COA ang DFA na magsumite ng status report sa lahat ng unclaimed at unreleased benefits, kabilang ang listahan ng mga OFW na namatay pero hindi malaman kung sino ang rightful beneficiaries.

Interest

Malaki na rin ang interest na kinita ng undisbursed end of service be­nefits sa bangko. Sa pagsusuma ng COA ay nasa P1.8 million na ang inte­rest na kinita ng P112 ­milyong deposito.

Actually, hindi public funds ang ESB benefits dahil ito ay perang ga­ling sa employer na either direktang ibinibigay nila sa beneficiaries o pinapadaan sa DFA Foreign Service Post (FSP).

Ang ESB funds na dumaan sa FSP ang natipon na sa bangko ng DFA, batay sa audit report ng COA. Kahit hindi public funds ang P112 milyon, ang P1.8 milyong kinita nito ay public funds na dapat i-remit sa National Treasury, ayon sa COA.

Follow me on Twitter @beeslist or call 833-0785 or email usapang_ofw@yahoo.com for your comments and suggestions.