Mariing tinutulan ng commuter group na Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang hirit na tatlong pisong dagdag sa base fare sa jeep.
Ayon kay LCSP Founder Atty. Ariel Inton, malaking kalbaryo sa mga mananakay na ang base fare na P9 sa unang apat na kilometro ay itataas ng P12.
Aniya, lumalabas na sa isang ordinaryong mananakay na sumasakay ng jeep ng dalawang beses kada araw ay dagdag P6 ang gastos sa pamasahe.
Subalit nabatid na ang hirit na piso na provisional increase of fare habang dinidinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang fare hike petisyon ay hindi tinututulan ng naturang commuter group. (Riz Dominguez)