Tumaas ang kita ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng 32% sa kaparehong panahon dahil sa pinalawak na iba’t ibang laro dahilan upang mas marami pang matulungan ang ahensya, ­ayon kay General Manager Alexander Balutan.

Ayon kay Balutan, mula Enero hanggang Abril ng taong kasalukuyan ay nakalikom ang PCSO ng P16 bilyon kita sa iba’t ibang laro katulad ng Lotto, Small Town Lottery, at iba pa.

Dagdag pa ng opisyal, ang pondo nilang nalikom ay makakatulong sa 117,954 na benipisyaryo sa ilalim ng Individual Medical Assistance Program (IMAP), 42 mula sa Medicine Donation program at apat ­naman ang tumanggap sa ilalim ng Medical Equipment ­Donation Program at iba pa.

Inanunsyo rin ng PCSO na mula Enero hanggang Abril ay 182 ambulansya na ang kanilang naipamahagi sa mga ospital, health insitutions, munisipyo, probinsya at city healt office.

Samantala naghanda rin ng pondo ang ahensya ng P5 milyon para sa medical assistance ng mga nasu­gatan, sundalo man o sibilyan sa nagaganap na giyera sa Marawi City.

Nagbabala naman si Balutan sa mga gambling lords mula sa Metro Manila at mga probinsya na ginagamit ang STL bilang front ng kanilang mga illegal number games na huminto na sa kanilang ilegal na gawain dahil nabibilang na umano ang kanilang mga oras.

Ibinunyag ng opisyal na mayroon na silang mga pangalan ng mga gambling lords at ngayon ay ­nakikipag-ugnayan na sila sa pulisya at National­ Bureau of Investigastion (NBI) upang madakip at masampa­han ng kaso ang mga ito.

One Response

  1. The bulk of this income came from the poor because only few middle class and high class population bet in lotto and swertres. It is strange that the people who need help from PCSO give more to the PCSO. They are being shortchanged. The poor sometimes bet their money supposed to buy foods, medicine and tuition hoping they will win. But they don’t. I think all PCSO raffles and bettings should be reduced in half. Only one draw a day for lotto, not multiple, then only one swertres everyday, not three times.