WINNER ang mga Kapuso sa bagong nationwide proof-of-purchase promo ng GMA Network na Kapuso Milyonation.

Mula sa matagumpay na Kapuso Milyonaryo last year, inilunsad ang 11th season nito kasama sina Joey de Leon at Jak Roberto.

Sa loob ng 12 linggo, mahigit P18M ang naghihintay para sa mga magwawagi mula sa 18 regions ng bansa.

Halos 1,500 winners ang maaaring makatanggap ng cash prizes at home appliances kabilang na ang surprise winners ng big cash prizes na P1M at P500,000 sa weekly draws.

Lahat ng sumali ay may pagkakataong manalo ng house & lot habang walong (8) entries ang magwawagi ng P1M each mula sa partner sponsors.

TAX-FREE ang mga ipamimigay na papremyo!

Para sumali, ilagay sa isang puting envelope ang proof-of-purchase mula sa alin man sa mga participating brands na kalakip ang pangalan, edad, address, contact number, at handwritten signature.

Sa likod ng envelope, isulat ang “Kapuso Milyonation,” brand na kalakip nito, at region of residence ng sumali.

Mula July 1 hanggang September 22, 2017, maaaring ihulog ang entries sa designated drop boxes sa GMA stations, o sa mga piling Mercury Drug (NCR, Luzon, Visayas, at Mindanao) at Cebuana Lhuiller (Visayas at Mindanao) branches nationwide.

Tuluy-tuloy ang mga papremyo ng GMA para sa mga Kapusong Pilipino sa tulong ng mga participating sponsors:

Aji-Ginisa Flavor Seasoning Mix, Tang, Bagong Bear Brand Fortified Powdered Milk Drink, Nescafé, Milo, Eden, UFC Tamis Anghang Banana Catsup, at Fudgee Barr.

Para sa karagdagang detalye, i-like ang official Facebook page ng Kapuso Milyonation sa www.facebook.com/GMAPromos. Per DTI-FTEB Permit No. 7829 Series of 2017.

***

Ewan kung matutuwa ang mga eklayerang pala­ka sa kuwento ni Lola Goreng (Gloria Romero) ngayong Linggo sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa GMA 7…

ECHOSERANG SEN­YORITA AND THE PABIBONG FROG!

Tungkol ito kay Señorita Angelika (Kate Valdez) na nakatira sa isang malawak na hacienda.
Nahulog sa balon ang mamahaling singsing na bigay ng tatay niyang si Don Armando (Gary Estrada).

Tuliro ang dalaga.
Hindi malaman ang gagawin.

Nang biglang may nagsalitang palaka (boses ni Jeric Gonzales) at nag-offer ng tulong sa kanya!

Naku! Nakakatuwa ang mga susunod na kaganapan!

***

Modern day Romeo & Juliet ang drama nina Bianca Umali & Miguel Tanfelix bilang Lawiswis & Pagaspas sa Mulawin vs. Ravena.

Hindi pa rin kasi nila kayang ipagpatuloy ang pag-iibigan nila dahil sa pagkakatakdang ikasal ni Lawiswis kay Siklab (Dion Ignacio).

Lalayas na sana sila sa Avila, pero dumating si Siklab para kunin ang kanyang bride-to-be na si Lawiswis.

Ano pa ang kailangan nilang gawin para wala nang umabala sa kanilang pagmamahalan?

Ayon kina Bianca at Miguel, excited sila sa magiging kahahantungan ng karakter nila dahil nara­ramdaman nilang malapit na silang parehong maubusan ng pa­sensya sa mga kumokontra sa kanila.

***

Aminado ang Kapuso mom na si Chynna Ortaleza na hindi siya marunong magluto, pero willing siyang matuto.

Kaya bagay na bagay sa kanya ang bago niyang stint bilang co-host ni Chef Boy Logro simula ngayong Linggo sa Idol Sa Kusina, pagkatapos ng Ang Pinaka sa GMA News TV.

Aniya, “I am very excited to be learning from the best!”

Nakasama ni Chynna sa kusina ang Haplos star na si Francine Prieto.

Filipino dishes with Italian twists ang iha­handa nila at mas pinasarap na version ng turon na tinawag nilang Apple Cinnamon Turon.