P1K budget sa NCIP

Dahil tahimik sa pagpatay sa mga katutubo sa Mindanao, binigyan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng P1,000 budget ang National Commission on Indi­genous Peoples (NCIP) sa 2018.

Sa amendments na ipinasok ni Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Zarate sa budget deli­beration sa pondo ng NCIP, hiniling nito na bigyan ng P1,000 na pondo ang NCIP na agad na tinanggap ng House committee on appropriaton.

Ang NCIP ay mayroong proposed budget na P1.132 billion sa 2018 subalit sinabi ni Zarate wala naman umanong ginagawa o tahimik ang mga ito kapag mayroong mga katutubong pinapatay.

Ang NCIP ay itinatag para sa kapakanan at proteksyunan ang karapatan ng mga katutubo sa bansa subalit sobrang tahimik umano ang mga ito kapag mayroong pinapatay na katulad nila.

Sinabi ng mambabatas na maraming Lumad na ang napapatay sa Min­danao ng mga miyembro umano ng Armed Forces of the Philippines (AFP) subalit ang inaasahang papalag sa kanilang na ahensya ay walang kibo aniya.

Huling katutubo umano na napatay ang ay ang 19 anyos na si Obillio Bay-ao, grade six pupil sa Lumad school Salugpongan Ta ‘Tanu Igkanogon-Community LearningCenter (STTICLC-Dulyan).

Binaril umano ng isang Ben Salangani na miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) noong nakaraang linggo si Bay-ao sa Sitio Dulyan, Brgy. Palma Gil, Talaingod, Davao Del Norte.

“Bakit tahimik ang ahensyang dapat na magtatanggol sa mga IP (Indigenous Peoples),” ani Zarate iminungkahi nito na bigyan lang ang mga ito ng P1,000 budget sa susunod na taon at walang tumutol sa mga mambabatas sa plenaryo ng Karama kaya tinanggap ng nasabing komite.