Nakalikom ng P1 milyon ang mga Muslim sa Marawi City para sa ikadarakip ng pumatay sa isang Muslim community leader sa Baguio City.

Kaugnay nito, hiniling ni Imam Joel Omar ang pagiging mahinahon ng Muslim community sa nasabing lungsod matapos barilin ng hindi pa nakikilalang lala­ki si Bidijim Abdullah, 55-anyos, kabilang sa implu­wensiyal na Muslim leader sa lugar noong Disyembre 6.

Giit din ni Omar, ipagkatiwala sa kapulisan ang sitwasyon at anumang impormasyon para sa pagkakakilanlan ng suspek ay agad na ipaalam sa Baguio City Police Office.
Nagsasagawa ng justice prayer ang Muslim ­community at magdadaos din ng prayer rally sa iba’t ibang grupo sa nasabing siyudad.

Binuo na ng pulisya ang special investigation para tutukan ang pagkakapaslang kay Abdullah.