P2.5M shabu kumpiskado sa CDO

Dalawang tulak ng iligal na droga ang ­inaresto sa buy-bust operation na nagresulta sa pagkum­piska ng higit P2.5 milyong halaga ng shabu sa Cagayan de Oro City (CDO) kahapon ng umaga.

Una nang nagsagawa ng buy-bust operation ang PNP-CIDG-Surigao del Norte at sinundan ng isa pang operasyon na ikinadakip ng mga suspek na sina Rico Dumagtang at Rodel Rosario, ­kapwa residente ng Del Carmen, Surigao del Norte.

Sinasabing ang mga ito ay kumukuha ng stocks mula pa sa CDO City.

Isang malaking sako ng 200 gramo ng ­shabu ang nakumpiska na halagang P2,250,000 ­bukod pa ang 14 na maliliit na 30 gramo ng sachets na nagkakahalaga ng P354K at mga drug para­phernalias.

Binantayan ng pulisya ang pagbabalik ng mga suspek at nagsagawa ng operasyon sa isang hotel sa Purok Sibuyas, Brgy. Golden Ribbon sa lungsod.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito.