P2.6M smuggled na asukal, yosi nasilat

Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Marines at Coast Guard ang shipment na nagkakahalaga ng P2.6 milyong smuggled goods, kabilang na ang mga sigarilyo at asukal sa Zamboanga port.

Ayon kay Bureau of Customs (BOC) Commissioner Leonardo Rey Guerrero, na-intercept ng mga tauhan ng Marines at Coast Guard operatives na may paparating na mga smuggled good na naglalaman ng mga sigarilyo at asukal na sakay ng M/V Rebecca na dumating sa Jolo, Sulu, bandang alas-6:30 Huwebes ng umaga.

Kabilang sa mga nasabat ang 95 master case ng smuggled cigarette na nagkakahalagang P2.6 million at 10 sako ng asukal na nasa P20,000 ang halaga at dinala sa BOC-Zamboanga District Office.

Kasalukuyang nagpapatupad pa rin ng mahigpit na seguridad ang Task Force Zamboanga. (Vick Aquino)