Humihirit ng taas pres­yo ang mga manufacturer ng mga produktong de lata tulad ng canned meat, sardinas at gatas, gayundin ng sabong panlaba at pampaligo at iba pang pangunahing bilihin sa Department of Trade and Industry (DTI).

Idinahilan ng mga manufacturer ang tumaas na presyo ng kanilang mga ginagamit na impor­ted raw material sa paggawa ng mga nabanggit na produkto.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castello, 50 sentimo hanggang P2.00 ang hirit na taas presyo sa mga basic at prime commodity.

Gayunman, pinag-aaralan pa ito ngayon ng DTI dahil may mga produktong hindi aniya kinakailangan na magtaas ng presyo. (Armida Rico)