P20M marijuana, baril nakalkal sa checkpoint

hybrid-marijuana

Mahigit P20 milyong hala­ga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasabat sa dalawang checkpoint sa Bontoc, Mountain Province at Buscalan, Kalinga noong Sabado ng gabi, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera (PDEA-Cor).

Ayon sa PDEA-Cor, una ay naaresto ang tatlong lalaki at isang babae sa isang checkpoint sa Bontoc kung saan nasa P19.38 milyong halaga ng marijuana rin ang nakumpiska.

Sinabi ng mga awtoridad, bukod sa 100 marijuana brick, nakuha rin mula sa kanila ang isang handgun at mga bala.

Samantala, sa Buscalan, dalawang lalaki at isang babae na may dalang 27 marijuana brick ang nahuli sa checkpoint na isinagawa din ng PDEA-Cor.

Sa imbestigasiyon, nagkakahalaga ng P3 milyon ang nasabat na marijuana sa mga suspek na nanggaling pa sa Angeles City, Pampanga.

Ang mga suspek ay pawang binitbit sa tanggapan ng PDEA-Cor. (Allan ­Bergonia)