Binunot at sinira ng mga awtoridad ang mahigit P22.5 milyong halaga ng mga pananim na marijuana sa may tagong lupa sa Brgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga noong Biyernes.
Sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordellira (PDEA-Cor), sinira nila ang limang plantation site sa nasabing barangay na may kabuuang lawak na 6,650 square meter na lupa.
Ayon sa PDEAR-Cor, nadiskubre at binunot ng mga awtoridad ang 107,600 na piraso ng fully-grown marijuana plant bilang bahagi na rin ng ‘OPLAN: Linis Barangay 8’ ng PDEA-Cordillera.