Umaabot sa 100 kahon ng mga pirated DVDs na nagkakahalaga ng P23 milyon ang nasabat ng mga ahente ng Optical Media Board (OMB) sa raid sa establisyimento sa Bacolod City.
Sa pahayag ni OMB chairman Anselmo Adriano, natunton ang mga kahon sa ika-apat na palapag ng store building na pagmamay-ari ni Gilsie Bacalso Tecson.
Ilang piraso din ng mga DVD burners ang natagpuan.
Sinabi ni Adriano, posibleng galing sa China ang mga DVD at ibebenta sana sa bansa at isinusuplay sa Bacolod City, Iloilo, Roxas, Kalibo at sa iba pang lugar sa Western Visayas.