P245M Ultra Lotto jackpot solong tinamaan

May tumama na sa P244.9 mil­yong jackpot sa Ultra Lotto 6/58 draw noong Biyernes nang gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), may isang nakakuha sa winning combination na 55-16-17-09-52-20 na may kabuuang premyong P 244,927,422.20

Labintatlong mananaya naman ang muntik bumakas sa jackpot nang makuha ang limang winning number pero kukubra sila ng tig-P131,960 habang 798 ang nakuha ang apat na kombinasyon at nanalo ng tig-P1,710.